dzme1530.ph

PNP, DENEPENSAHAN ANG KANILANG TUGON SA MGA PROTESTA SA ASEAN SUMMIT

Loading

Inilarawan ng PNP ang overall security situation sa 49th ASEAN Summit and Related Summits bilang “generally peaceful” sa kabila ng ilang sumiklab na tensyon.
 
Sa press briefing, dinepensahan ni PNP spokesperson Allen Rae Co ang kanilang naging tugon sa mga kilos-protesta.
 
Sinabi ni Co na nais niyang ipaalala sa mga raliyista na huwag ipagkamali ang kanilang maximum tolerance at pagpipigil bilang kahinaan o kawalan ng determinasyon.
 
Ayon kay Co, kabuuang 220 individuals ang inaresto, 21 ang na-rescue at 15 police personnel ang nasugatan o nasaktan sa protest-related incidents.
 
Ilan sa mga police officers ay nagtamo ng head injuries matapos umanong tamaan ng mga bagay na ibinato ng mga nagpo-protesta.

About The Author