![]()
Muli nang ipatutupad ang No Contact Apprehension Policy o NCAP sa ilang bahagi ng Metro Manila, simula sa Lunes, October 5.
Kabilang sa mga magpapatupad ng NCAP ang Lungsod ng Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa.
Matatandaang noong July 9, ibinasura ng Korte Suprema ang consolidated petitions laban sa NCAP na ipinatutupad sa limang LGU sa Metro Manila.
Inalis din ng Supreme Court ang Temporary Restraining Order na inilabas noong August 30 laban sa mga LGU at Land Transportation Office.
