![]()
Nadagdagan pa ng 70 Overseas Filipino Workers mula Saudi Arabia ang narepatriate ng gobyerno sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa Department of Migrant Workers, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng mga uuwiing Pinoy workers mula sa Gitnang Silangan.
Sa ilalim naman ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o UPLIFT Program, ang mga OFW ay tumanggap ng agarang medical at financial assistance kasama na rin ang transport support para sa pag-uwi sa kanilang mga lalawigan.
Sa pinakahuling datos mula sa DMW, umaabot na sa 1,170 OFW at kanilang dependents ang naiuwi sa bansa sa gitna ng kaguluhan.
