dzme1530.ph

REGIONAL OIL STOCKPILING, SUPORTADO NG LIMANG ASEAN MEMBER STATES, AYON SA TRADE CHIEF

Loading

Nagkasundo ang limang member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na mag-stock ng langis sa rehiyon upang matugunan ang supply disruptions.
 
Sa press conference sa 49th ASEAN Summit and Related Summits, sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na bukod sa Pilipinas, na kabilang sa mga bansang sumuporta sa proposed regional stockpiling ay ang Singapore, Indonesia, at Malaysia.
 
Samantala, nagpahayag din ng interest ang United Arab Emirates na maglagay ng oil inventories sa mga bansa na mayroong pasilidad para mag-stock ng langis.
 
Idinagdag ni Roque na sa pamamagitan nito, mas madali na aniya sakaling mangailangan ang bansa ng langis ay maaari nang bumili sa ASEAN, kaysa sa malalayo pang mga bansa na dagdag-gastos sa logistics.

About The Author