dzme1530.ph

VISA-FREE ENTRY, NAGAGAMIT NG MGA SINDIKATO SA HUMAN TRAFFICKING

Loading

Nagbabala si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac laban sa alok na visa-free entry para makapagtrabaho sa ibayong dagat.

Sinabi ni Cacdac na hindi masama ang visa-free system subalit binigyang-diin na ito ay para lamang sa mga turista at hindi sa mga may planong magtrabaho sa ibang bansa.

Ang visa-free entry anya ay ginagamit ng mga sindikato ng human trafficking upang makapag-recruit sa mga scam hubs sa ilang bansa sa Asya.

Kinumpirma ni Cacdac na sa ngayon ay may halos 100 Pinoy workers ang na-trap sa scam hubs sa Myanmar at minamanmanan ng mga awtoridad kasama ang Philippine Embassy sa Yangon.

About The Author