DOJ, kumpiyansang hindi na mababago ang desisyon ng Timor-Leste Court sa extradition case ni dating Cong. Arnie Teves
Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na hindi magtatagumpay ang bagong hakbang ng legal team ni Expelled Negros Oriental Cong. Arnolfo “Arnie” Teves, na isailalim sa panibagong proceedings ang extradition case ng dating mambabatas. Ayon sa DOJ, kumpiyansa sila na pareho lang din ang kahihinatnan ng bagong proceedings sa naunang desisyon. Idinagdag ng ahensya na […]