![]()
Pare-parehong bumaba ang net satisfaction ratings ng Senado, Kamara at Supreme Court, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa March 24 to 31 survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, nakapagtala ang Senado ng net satisfaction rating na +11, tatlong puntos na mas mababa sa +14 na naitala noong November 2025.
42 percent ng respondents ang nagsabing kontento sila sa performance ng Senado habang 31 percent ang hindi kontento.
Nakakuha naman ang Kamara ng 42 percent satisfaction at 29 percent dissatisfaction, para sa net satisfaction rating na +13, na bahagyang mas mababa kumpara sa +14 noong nakaraang period.
Samantala, bumagsak sa +11 ang net satisfaction rating ng Supreme Court matapos makakuha ng 42 percent na satisfaction at 30 percent na dissatisfaction, mula sa +17 noong November 2025.
