dzme1530.ph

PINOY BOXERS, SASABAK SA “BAKBAKAN SA PUTATAN” SA JUNE 21

Loading

Sasabak ang ilang Pilipinong boksingero sa pinaka-aabangang “Bakbakan sa Putatan 2026” hatid ng Arena Plus sa June 21, sa DRT Sports Complex sa Muntinlupa City.
 
Bilang isa sa mga pangunahing tagasuporta ng Philippine sports, layunin ng Arena Plus na mabigyan ng mas malawak na exposure ang local athletes, bitbit ang world-class sporting experience sa mas maraming Pilipino.
 
Mapapanood sa main event ang bakbakan nina Eman Bacosa Pacquiao at Rodelyn Perez para sa PBF Lightweight Championship.
 
Magsisilbing co-main event ang sagupaan nina Jhony Lastimosa at Robel Dela Cerna para sa PBF Youth Light Flyweight Championship.
 
Gayundin ang tapatan nina Jubert Bohat at Ricky Cajutol para naman sa PBF Silver Super Bantamweight Championship.
 
Sa patuloy na pakikiisa ng Arena Plus sa local sporting events, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino athletes na maipamalas ang kanilang talento at makapagbigay ng inspirasyon sa mga kabataan na mangarap at magsikap sa larangan ng palakasan.

About The Author