![]()
Hindi magpapatinag si Defense Secretary Gilberto Teodoro sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin para protektahan ang soberanya ng bansa sa kabila ng parusang ipinataw ng China sa kanya at kanyang pamilya.
Sinabi ni Teodoro na karapatan ng China ang magpatupad ng anumang sanction na ginagawa nila laban sa mga nakikipaglaban para sa katotohanan sa likod ng kanilang panlilinlang.
Tiniyak ng kalihim na magpapatuloy lamang siya sa kanyang tungkulin para sa bansa.
Una nang inanunsyo ng Ministry of Foreign Affairs ng China na ipinataw ang sanction sa kalihim dahil sa mga hindi magagandang pahayag laban sa anila ay lehitimong interes ng China.
Sa ilalim ng sanction, pinagbabawalan ang kalihim gayundin ang kanyang asawa at mga anak na tumuntong sa mainland China, Hong Kong at Macau.
