dzme1530.ph

DSWD, NAKAPAGPADALA NA NG 20K NA FAMILY FOOD PACKS SA GLAN, SARANGANI

Loading

Nakapagpadala na ang Department of Social Welfare and Development ng 20,000 family food packs sa Glan, Sarangani.
 
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bukod ito sa 2,000 family food packs na naka-prepositioned sa lugar bago ang lindol.
 
Nasa 40,000 family food packs pa aniya ang kanilang maipapadala sa lugar sa mga susunod na araw.
 
Nagpapatuloy din aniya sa ngayon ang operasyon ng DSWD sa Malita, Jose Abad Santos at Sarangani municipality sa Balut Island.
 
Idinagdag pa ni Gatchalian na mamamahagi rin sila ng 200,000 family food packs sa General Santos City kasabay ng paghahanda nila ng emergency cash transfer para sa mga biktima.

About The Author