dzme1530.ph

PALASYO, NIRESBAKAN SI VP SARA MATAPOS SABIHING REPLEKSYON NG MARCOS ADMINISTRATION ANG KAGULUHAN SA SENADO

Loading

Binuweltahan ng Malacañang si Vice President Sara Duterte sa pahayag nitong repleksyon ng Marcos administration ang nangyayaring kaguluhan sa Senado.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang mga kaalyado ng Bise Presidente ang dahilan kung bakit magulo ang mataas na kapulungan.
 
Pinasaringan din ni Castro ang Bise Presidente sa pagsasabing ang paulit-ulit na kasinungalingan ay naglalagay sa atin sa isang kumunoy.
 
Iginiit ni Castro na habang patuloy na nagtatrabaho ang Pangulo, tuloy rin naman ang Bise Presidente sa paninira at binabago ang mga naratibo.
 
Ipinaalala ng opisyal na si Senador Alan Peter Cayetano ang nagbigay ng go signal kay dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na magpaputok sa Senado dahil sa pagbibigay-proteksyon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
 
Inamin din aniya ni Bato na nagtungo siya sa Senado para bumoto at mailuklok si Cayetano bilang Senate leader at para sa impeachment.
 
Kaya ang lahat aniya ng ito ay nangyari dahil sa pagsisikap ng mga taong nasa likod nito na protektahan ang Bise Presidente sa impeachment.

About The Author