dzme1530.ph

Author name: Joana Luna

Joana Luna is a Social Media and News writer at DZME 1530 Radyo Uno.

Budget deficit ng national government, nabawasan noong 2023

Lumiit ang budget gap ng national government noong 2023. Batay sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ng 6.32% o sa P1.51 trillion ang budget deficit noong nakaraang taon mula sa P1.61 trillion noong 2022. Gayunman, mas mataas ito ng 0.85% kumpara sa  P1.499-trillion ceiling na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Budget deficit ng national government, nabawasan noong 2023 Read More »

“No to cha-cha!,” sigaw ng pro-democracy groups sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power

Ginunita ng Pro-democracy groups ang ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng panawagang itigil ang isinusulong na Charter change (Cha-cha). “No to Cha-cha!” ang sigaw kahapon ng mga grupo na binubuo ng mga magsasaka, manggagawa, guro, at religious organizations. Nagsagawa sila ng demonstrasyon habang bitbit ang kanilang placards, sa harapan ng EDSA

“No to cha-cha!,” sigaw ng pro-democracy groups sa paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power Read More »

PBBM, pinayuhan ang publiko na maging masigasig sa pagbabasa ng Kasaysayan

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging masigasig sa pagbabasa ng kasaysayan. Sa pagsagot sa isang liham sa kanyang vlog, inihayag ng pangulo na mas mainam na basahin ang lahat sa kasaysayan at huwag ang isang bagay lamang tungkol dito. Ibinahagi rin ni Marcos ang turo ng kanyang Lola, kung

PBBM, pinayuhan ang publiko na maging masigasig sa pagbabasa ng Kasaysayan Read More »

Umento sa sahod ng mga min. wage earner at kasambahay sa Region 11, aprubado na!

Aprubado na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Davao Region. Batay sa Wage Order no. RB XI-22 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 11, pinapayagan na ang pagtaas sa P19 na arawang minimun wage sa oras na maging epektibo ito at additional

Umento sa sahod ng mga min. wage earner at kasambahay sa Region 11, aprubado na! Read More »

Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan bukas!

Abiso sa mga motorista! Naka-ambang magpatupad ng pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Feb 20. Batay sa pagtaya ng Oil industry players, maaaring umabot sa P0.90 hanggang P1.10 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel. Habang P1.20 hanggang P1.40 naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan bukas! Read More »

Manny Pacquiao, hindi pinayagang makapaglaro sa Paris Olympics

Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) ang kahilingan ni Manny Pacquiao na maglaro sa 2024 Paris Olympics, dahil lagpas na sa age limit ang Filipino boxing legend. Ginawa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang anunsiyo, kahapon, matapos matanggap ang formal letter mula sa IOC na nagbabawal sa 8-division World Champion na maglaro sa Summer Games.

Manny Pacquiao, hindi pinayagang makapaglaro sa Paris Olympics Read More »

AFP, nilinaw na bawal lamang ang TikTok sa mga device na naka-connect sa Military network

Nilinaw ng AFP na maari pa ring gamitin ng mga sundalo ang kanilang social media app na TikTok sa kanilang personal devices, basta hindi ito naka-connect sa Military network at hindi sila magpo-post ng content na mako-kompromiso ang seguridad ng kampo. Ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla ang paglilinaw matapos mabunyag na ilang miyembro

AFP, nilinaw na bawal lamang ang TikTok sa mga device na naka-connect sa Military network Read More »

Phil. Domestic Submarine Cable Network na magpapabilis ng fiber internet, inilunsad ng Pangulo

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinaka-mahabang domestic submarine cable network sa Pilipinas, na inaasahang magpapabilis ng fiber internet. Sa Seremonya sa the Peninsula Manila Hotel sa Makati City, pinangunahan ng Pangulo ang lighting o pagpapailaw sa 2,500 kilometer Philippine Domestic Submarine Cable Network. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Marcos ang pagiging positibo

Phil. Domestic Submarine Cable Network na magpapabilis ng fiber internet, inilunsad ng Pangulo Read More »

Mga Pilipino, hinikayat ng DA na regaluhan na lamang ng bigas sa halip na bulaklak ang mga mahal sa buhay sa Valentine’s Day

Hinikayat ng Dep’t of Agriculture ang mga Pilipino na regaluhan na lamang ng bigas sa halip na bulaklak ang mga mahal sa buhay para sa paparating na Araw ng mga Puso. Sa ambush interview matapos ang pres briefing sa Malakanyang, inihayag ni DA Undersecretary Roger Navarro na mas mainam ang bigas dahil ito ay matamis,

Mga Pilipino, hinikayat ng DA na regaluhan na lamang ng bigas sa halip na bulaklak ang mga mahal sa buhay sa Valentine’s Day Read More »

Malacañang, nagpaabot ng pagbati para sa Chinese New Year

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang para sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw ng Sabado, Feb. 10. Umaasa ang Presidential Communications Office para sa sama-samang pagsalubong ng taon nang may pag-asa at determinasyong maisulong ang isang maunlad at maginhawang Bagong Pilipinas. Kasabay nito’y hiniling ng PCO ang masayang selebrasyon sa pagsalubong sa Year of

Malacañang, nagpaabot ng pagbati para sa Chinese New Year Read More »