![]()
NANGAKO si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na pagtutuunan nila ng pansin ang reconstruction at rehabilitasyon ng mga nasirang istruktura dulot ng malakas na lindol sa Mindanao.
Sinabi ni Gatchalian na titiyakin nilang magagamit ang pondong nakalaan para sa pagpapagawa o pagsasaayos ng mga nasirang tulay, kalsada, eskwelahan, palengke at iba pang public infrastructure.
Bukod dito, magkakaroon din ng kaukulang pondo ang mga rehabilitation program sa ilalim ng 2027 national budget.
Inihayag pa ni Gatchalian na may kanya-kanya nang assignment ang mga senador na kanilang tututukan kaugnay ng kalamidad.
Si Senador JV Ejercito, bilang bagong chairman ng Senate Committee on Finance, ay nakatokang tutukan ang availability ng pondo para sa rehabilitation at reconstruction.
Makikipag-ugnayan naman si Ejercito sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng lindol upang matukoy ang kinakailangang pondo.
Nakatoka naman si Senador Erwin Tulfo, bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na tiyakin sa Department of Public Works and Highways ang maayos na kalidad ng mga public infrastructure.
