![]()
Kinumpirma ng Office of Civil Defense na umabot na sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay OCD Deputy Spokesperson Diego Mariano, nasa 1,120 naman ang nasugatan habang 31 pa ang nawawala.
Sa tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 346,449 individuals o katumbas ng 75,324 families ang apektado ng lindol mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Idineklara na rin ang state of calamity sa Davao Occidental; Malapatan at Glan sa Sarangani; at General Santos City.
