![]()
Pinagpapaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Tab Baldwin kaugnay ng kanyang Alien Employment Permit (AEP).
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kailangang patunayan ni Baldwin na balido at saklaw ng kanyang permit ang lahat ng kanyang coaching at supervisory activities, kabilang ang mga aktibidad sa labas ng campus.
Ang hakbang ay kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8 na ikinasawi ng dalawang Ateneo players na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili habang nasa isang team-building activity.
Binigyang-diin ng DOLE na hindi ito pag-uusig kundi bahagi lamang ng beripikasyon upang matiyak na sumusunod sa batas-paggawa ng Pilipinas ang lahat ng dayuhang manggagawa.
Inihayag ito ni Tolentino sa relaunching ng DOLE Press Corps office, kung saan muling kinilala ng kagawaran ang mahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon para sa mga manggagawang Pilipino.
