![]()
Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng ₱15.1 bilyong halaga ng emergency assistance.
Para ito sa may 608,343 members at pensioners na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes.
Sinabi ng GSIS na ang qualified members at pensioners na walang anumang outstanding loans ay maaaring mag-apply ng ₱20,000 na loan na may 6% interest rate at three-year payment term.
Ang mga mayroon namang umiiral na emergency loans ay maaaring manghiram ng hanggang ₱40,000 upang mabayaran ang balanse ng naunang loan, para sa maximum net amount na ₱20,000.
Kabilang sa mga qualified sa programa ay mga active members at pensioners na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity.
