![]()
Mahigit 346,000 katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Hanggang alas-otso kaninang umaga, kabuuang 346,449 individuals o 75,327 families mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang apektado ng lindol.
Sa naapektuhang populasyon, 16,349 individuals o 3,515 families ang nananatili sa evacuation centers habang 29,260 individuals o 7,279 families ang nanunuluyan sa ibang mga lugar.
47 ang napaulat na nasawi sa malakas na pagyanig, kabilang ang 35 sa SOCCSKSARGEN at 12 sa Davao Region.
Umabot naman sa 688 ang bilang ng mga nasugatan habang 33 iba pa ang napaulat na nawawala.
