dzme1530.ph

STAR MAGIC, IPINAGTANGGOL ANG ANAK NI PATRICK GARCIA NA SI MICHELLE MULA SA MASASAKIT NA KOMENTO

Loading

Dinepensahan ng talent agency na Star Magic ang isa sa kanilang young artists na si Michelle Garcia, sa gitna ng binuhay na kontrobersiya ng ama nito na si Patrick Garcia.

Sa interview kamakailan kay Patrick, ikinuwento nito ang past relationship kay Jennylyn Mercado, halos 20 years matapos silang maghiwalay habang buntis noon ang aktres sa anak nilang si Jazz.

Sa gitna ng magkakaibang komento ng publiko, naglabas ang Star Magic ng maikling statement para tugunan ang masasakit na komento na nakadirekta kay Michelle, na trese anyos pa lang at menor de edad.

Hiniling ng talent agency na huwag nang idamay ang teenager sa mga isyu ng mga nakatatanda na nangyari bago pa man ito isilang.

Handa rin ang Star Magic na magdemanda kapag nagpatuloy ang pangha-harass kay Michelle, alinsunod sa batas na pumoprotekta sa mga bata mula sa pang-aabuso at libel.

About The Author