dzme1530.ph

BABAENG DEATH ROW INMATE, NASA KRITIKAL NA KONDISYON MATAPOS PUMALYA ANG EXECUTION SA PAMAMAGITAN NG LETHAL INJECTION

Loading

Nasa kritikal na kondisyon at tumatanggap ng “life-saving care” ang isang female murderer na sinentensyahan ng kamatayan, makaraang makaligtas sa dalawang lethal injections sa pumalyang execution sa Tennessee, USA.
 
Sa pambihirang pangyayari, inalis ang 50-year-old na si Christa Pike mula sa prison execution chamber patungo sa ospital.
 
Nanatiling buhay ang death row inmate sa kabila ng naturukan ito ng dalawang deadly doses ng pentobarbital.
 
Hinikayat ng abogado ni Pike si Governor Bill Lee na ibasura ang death sentence sa kanyang kliyente.
 
18 years old noon si Pike nang paslangin niya at kanyang boyfriend ang 19-year-old na si Colleen Slemmer sa isang job training camp.
 
Umani ng atensyon ang krimen matapos matagpuan ang katawan ng biktima na may pentagram na karaniwang nakikita bilang satanic symbol, na nakaukit sa kanyang dibdib.

About The Author