dzme1530.ph

SENATOR JUDGES, PINAALALAHANANG MAHALAGA ANG BAWAT ORAS SA IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

PINAALALAHANAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga kapwa senator-judges na palaging isiping importante ang oras ng impeachment trial.
 
Ito ay matapos na ipagbawal sa paglilitis ang mga manifestations ng ilang senator-judges na walang kinalaman sa impeachment trial.
 
Ayon kay Gatchalian, mahaba pa ang panahon na kanilang igugugol para sa paglilitis kaya bawat oras ng impeachment trial ay napakahalaga.
 
Tiniyak naman ng Senate President na sa pagbubukas ng sesyon sa susunod na linggo ay bibigyang panahon ang mga senator-judges na talakayin ang kani-kanilang mga mahahalagang isyu.
 
Matatandaang kahapon ay tumayo si Senator Robinhood Padilla sa sesyon ng impeachment court para idulog ang aniya’y paratang laban sa kanya ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pagsunod sa batas gayong nakapag-comply naman siya sa pagsusumite ng counter-affidavit.
 
Kaugnay ito sa kasong obstruction of justice bunsod ng pagtulong ni Padilla sa sinasabing pagtakas ni Senator Bato dela Rosa.

About The Author