dzme1530.ph

PHILIPPINE MEN’S NATIONAL FOOTBALL TEAM, HAHARAP SA MATINDING PAGSUBOK SA 2026 ASEAN CUP

Loading

Naghahanda na ang Philippine Men’s National Football Team para sa 2026 ASEAN Cup.
 
Haharap ang mga Pilipino sa matinding pagsubok sa regional tournament sa pagbubukas ng kanilang Group B campaign laban sa Myanmar sa Hulyo 28, bago naman i-host ang Thailand sa Agosto 4.
 
Gaganapin ang dalawang home match sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.
 
Makakasagupa rin ng Pilipinas ang Laos sa Agosto 1 at Malaysia sa Agosto 8 sa dalawang away matches.
 
Dalawang koponan lamang mula sa bawat grupo ang uusad sa knockout stage.

About The Author