![]()
Tuloy ang implementasyon ng bagong ₱85 minimum wage increase sa National Capital Region (NCR), alinsunod sa itinakdang iskedyul.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na walang inilabas na anumang direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang suspendihin o ihinto ang pagpapatupad ng umento sa sahod ng mga manggagawa.
Idinagdag ni Castro na wala ring natanggap ang Palasyo na anumang kahilingan mula sa private sector para sa suspensyon ng wage hike.
Ginawa ng Palace official ang pahayag kasunod ng mga panawagang suspendihin ang implementasyon ng ₱85 na wage increase.
Magiging epektibo ang unang ₱60 na dagdag-sahod sa Hulyo 25, habang ang karagdagang ₱25 ay ipatutupad sa Enero 20, 2027.
