dzme1530.ph

SEN. BAM AQUINO, NAGHAIN NG RESOLUSYONG KUMIKILALA SA MAKASAYSAYANG PERFORMANCE NG BINI SA COACHELLA

Loading

Naghain si Senator Bam Aquino ng resolusyon na bumabati at nagbibigay-pugay sa P-pop group na BINI, na kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California.
 
Sa kanyang Resolution No. 370, pinuri ni Aquino ang BINI sa pagdadala ng karangalan at dangal sa bansa, at sa pagpapakita ng talento at sining ng Pilipino sa pandaigdigang entablado, sa kanilang pagtatanghal noong April 10 at 17, 2026 sa Coachella na isa sa pinaka-prestihiyoso at pinakamalaking music festival sa mundo.
 
Kilala bilang “Nation’s Girl Group,” ang BINI ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.
 
Binigyang-diin ng senador na ang tagumpay ng BINI ay isang panalong dapat ipagdiwang sa harap ng krisis at iba’t ibang hamong kinakaharap ng bansa.
 
Sa naunang panayam, ibinahagi ni Aquino na ang kanyang dalawang anak na sina Rory at Coco ay masugid na tagahanga ng BINI, na ang kanilang fandom ay kilala bilang “Bloom.”

About The Author