![]()
Isang natural na sangkap na matatagpuan sa pakwan ang L-citrulline na ngayon ay nakikilala bilang mahalagang tulong sa kalusugan ng puso at pagpapalakas ng sirkulasyon ng dugo.
Ayon sa mga eksperto, ang L-citrulline ay isang uri ng amino acid na tumutulong sa pagpapalawak ng mga ugat ng dugo.
Kapag mas maluwag ang mga ugat, mas maayos ang daloy ng dugo na mahalaga sa pag-iwas sa high blood pressure at iba pang problema sa puso.
Kapag kumain ng pakwan, ang L-citrulline ay nagiging L-arginine sa katawan na siyang nagpo-produce ng nitric oxide.
Ang nitric oxide ang responsable sa pagrelax ng mga blood vessels na nakakatulong upang mapabuti ang daluyan ng dugo.
Bukod sa benepisyo sa puso, nakikita rin ang positibong epekto ng L-citrulline sa mga taong nag-eexercise.
Pinaniniwalaang nakakatulong ito sa pagbawas ng pagod ng kalamnan at pagpapahaba ng stamina, kaya’t mas nagiging epektibo ang workout.
Sa mga lalaki, iniuugnay din ang L-citrulline sa pagpapabuti ng daluyan ng dugo na may kinalaman sa sexual health, bagama’t kailangan pa ng mas malalim na pag-aaral ukol dito.
Paalala naman ng mga doktor, bagama’t natural at matatagpuan sa prutas ang L-citrulline, hindi dapat umasa lamang sa supplement o isang uri ng pagkain.
Mas mainam pa rin ang balanse at masustansyang diyeta na may halong prutas, gulay, at regular na ehersisyo.
Sa kabuuan, ang pakwan ay hindi lamang pampalamig sa mainit na panahon kundi isa ring natural na pinagkukunan ng sustansya na makakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.
