dzme1530.ph

SELYADONG KAHON NA NAGLALAMAN NG TAX RECORDS NG MAG-ASAWANG VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO, HINDI BINUKSAN NG HOUSE JUSTICE PANEL

Loading

Isinarado na ng House Committee on Justice ang isyu kung bubuksan o hindi ang selyadong kahon na naglalaman ng ITR o income tax returns nina VP Sara at Atty. Mans Carpio.

Sa botong 38 para panatilihing selyado, 6 ang bumoto na buksan, at zero abstention, nabigo si Rep. Leila de Lima na ipilit na buksan ito.

Gayunman, nagmosyon si House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ang selyadong kahon ay bahagi ng official records na kasamang ita-transmit sa Senado sakaling matuloy ang impeachment trial.

Sa manifestations ni Manila Cong. Benny Abante Jr., sobra-sobra na ang ebidensya na nakalap para matuloy ang trial sa Senado.

Hayaan na lamang aniya na sa tamang panahon sa Senate buksan ang kahon bilang karagdagang ebidensya laban sa Pangalawang Pangulo.

Una na ring nanindigan si House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ang request ng komite ay hindi simpleng congressional inquiry kundi “constitutionally mandated subpoena.”

About The Author