dzme1530.ph

KAMPO NI SEN. BATO DELA ROSA, HINILING SA SUPREME COURT NA MULING SURIIN ANG PAGBASURA SA TRO SA GITNA NG 50 MILLION PESOS NA REWARD

Loading

Muling umapela ang mga abogado ni Senador Ronald dela Rosa sa Supreme Court na baliktarin ang pagbasura nito sa temporary restraining order (TRO) na pipigil sa law enforcement agencies na arestuhin ang mambabatas.

Kasunod ito ng “supervening event” o hindi inaasahan at biglaang pangyayari, gaya ng inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ₱50 million na pabuya para sa ikadarakip ni dela Rosa.

Sa manifestation na inihain ni Atty. Israelito Torreon sa Kataas-taasang Hukuman, binigyang-diin nito na dahil sa “dedicated tracker teams,” ₱50 million na reward, at direktiba para sa mabilis na aksyon, maisasakatuparan ang pag-aresto sa senador bago pa man maresolba ng korte ang motion for reconsideration.

Nakasad sa manifestation na sakaling mangyari nga ito, magiging “moot” ang petition at anumang hatol ng hukuman ay magiging “ineffectual” o walang bisa.

Noong May 20, 2026, ay ibinasura ng Supreme Court ang hirit ni dela Rosa, na may standing warrant of arrest mula sa International Criminal Court, na TRO o status quo ante order.

About The Author