dzme1530.ph

LIMITED CEASEFIRE, UMIIRAL SA ISANG SIYUDAD SA UKRAINE

Loading

Umiiral ang truce sa Russian-occupied Ukrainian city na Oleshky, kung saan na-trap ang mga residente nang walang pagkain, tubig, at kuryente.

Inihayag ng Ukrainian officials at Defence Ministry ng Russia na kapwa nila iginagalang ang limitadong tigil-putukan.

Layunin ng limited ceasefire, na ayon sa White House ay na-secure ni US First Lady Melania Trump, na pahintulutan ang deliveries ng ayuda at civilian evacuation.

Marami umano sa mga residente ang napilitang iluto ang damo sa kanilang bakuran para maitawid ang matinding gutom.

Tinaya sa anim na libong katao, kabilang ang dalawang daang mga bata, ang nananatili sa Oleshky at sa mga kalapit na lugar.

About The Author