![]()
Pumalo na sa ₱900.06 billion ang inaprubahang investment pledges ng Board of Investments (BOI) simula Enero hanggang Setyembre, malapit na sa kanilang full-year target na ₱1 trillion.
Mas mataas ito ng 53.05% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa BOI, kumakatawan din ang pigura sa 207 projects na inaasahang makalilikha ng 21,524 na trabaho.
Sa buwan lamang ng Setyembre, umabot sa ₱278.21 billion ang investment approvals, na halos limang beses ng ₱56.49 billion na naitala noong September 2025.
Sinabi ni Trade Secretary at BOI Chairperson Cristina Roque na ang pagtaas ng investment approvals sa unang siyam na buwan ng 2026 ay repleksiyon ng lumalaking interest ng mga investor sa Pilipinas bilang “premier destination for growth and expansion.”
