![]()
Tatlong kumpanya ng bus sa Maynila ang posibleng padalhan ng show cause order ng Department of Transportation (DOTr) matapos matuklasan ang mga kakulangan sa kanilang mga pasilidad.
Walang sariling comfort room — May terminal na umaasa sa katapat na gasolinahan para sa paggamit ng palikuran ng mga pasahero.
Walang suplay ng tubig — Isa pang terminal ang napansing walang tubig sa palikuran.
May bayad ang comfort room — Sa isang terminal sa Sta. Cruz, Maynila, ikinadismaya ni Transportation Secretary Vince Dizon ang paniningil sa paggamit ng palikuran.
Binigyang-diin ni Dizon na dapat unahin ng mga bus operator ang kapakanan ng mga pasahero at tiyaking maayos ang mga pasilidad, lalo na ngayong Undas, kung kailan inaasahang dadami ang mga biyahero.
Patuloy ang pagbabantay ng DOTr upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero.
