![]()
MALAKI para kay Senate President Vicente Tito Sotto III ang inilaang P27 million na pondo ng nakalipas na liderato ng Senado para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa tantya ni Sotto, posibleng aabutin ng P12.6 million ang pondong magagamit sakaling umakyat na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Ayon kay Sotto, sa ngayon ay pinag aaralan pa ng budget division ng Senado kung magkano ang kakailanganing pondo sa impeachment trial.
Sa ginagawang pag-aaral anya malalaman kung mas mataas o mas mababa sa P12.6 million ang kakailanganin ng Senado sa trial.
Una rito sinabi ni Senate Committee on Accounts Chairman Panfilo Lacson na may available na pondo na P26.5 million na maaring gamitin ng senado sa impeachment trial.
