dzme1530.ph

MGA BUS TERMINALS SA METRO MANILA, ININSPEKSYON BILANG PAGHAHANDA SA UNDAS

Loading

Sa kanyang pagbabalik sa Department of Transportation, agad nag-inspeksyon sa mga bus terminal si Secretary Vince Dizon.

Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga commuter sa gitna ng inaasahang travel rush para sa Undas.

Inikot ng kalihim ang ilang bus terminal sa Metro Manila upang masuri ang paghahanda ng mga ito para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Si Dizon ay ibinalik bilang kalihim ng DOTr kapalit ni Secretary Giovanni Banoy Lopez, na itinalaga naman sa Department of Public Works and Highways.

Sa gitna ng pag-iikot, iginiit ni Dizon na plano niyang i-overhaul ang Land Transportation Office upang i-modernize ang pasilidad nito, ma-streamline ang transaksyon at mapanagot ang mga fixer.

About The Author