![]()
Inaasahang darating sa bansa ngayong Miyerkules si United States Secretary of War Pete Hegseth para sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus), ayon sa Department of National Defense (DND).
Gayunman, sinabi ni DND Spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong na sa ngayon ay hindi pa siya makapagbibigay ng anumang detalye tungkol sa inaasahang pagbisita ni Hegseth.
Idinagdag ni Andolong na bukas, sa turnover address ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ay magbibigay ito ng impormasyon.
Magsisilbing host ang Pilipinas sa 20th ADMM and 13th ADMM-Plus, simula ngayong Oct. 28 hanggang 29, sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Samantala, inimbitahan ang China na dumalo sa meetings, subalit hindi pa ito nagkukumpirma ng attendance.
