dzme1530.ph

VISAYAS GRID, MULING ILALAGAY SA RED AT YELLOW ALERT

Loading

Muling ilalagay sa red at yellow alert ang Visayas Grid ngayong araw ng Miyerkules.

Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ang red alert mula 5 PM hanggang 6 PM.

Yellow alert naman mula 2 PM hanggang 5 PM at 6 PM hanggang 8 PM.

Ayon sa NGCP, ang available capacity ng Visayas Grid ay 2,362 megawatts habang ang peak demand ay 2,548 megawatts.

Nasa labing-walong (18) planta lamang umano ang gumagana na may limitado pang kapasidad.

About The Author