![]()
Pinaigting pa ng Philippine National Police ang kanilang security at public safety operations sa buong bansa sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero dahil sa long weekend sa Metro Manila bunsod ng 49th ASEAN Summit.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na inatasan na nila ang lahat ng kanilang mga commanders hanggang sa station level na palakasin ang police visibility at paigtingin ang patrol operations sa mga major transport hubs, seaports, airports, bus terminals, highways at tourist destinations.
Binigyang-diin ni Nartatez na nais nilang matiyak na mag-enjoy ang publiko sa long weekend kasabay ng pagtiyak na nakahanda ang pulisya na magbigay ng seguridad.
