dzme1530.ph

SATISFACTION RATING NG MARCOS ADMINISTRATION, NAKABAWI MULA SA RECORD LOW; PERO NANANATILING BELOW AVERAGE

Loading

Nakarekober ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa historically low na satisfaction rating ng Social Weather Stations (SWS), matapos makakuha ng 14 points noong Hunyo.
 
Sa June 20 to 29 survey, 42% ng 1,200 adult respondents ang nagsabing kuntento sila sa performance ng administrasyon habang 40% ang hindi kontento at 17% ang undecided.
 
Sa naturang mga pigura, lumitaw na positive (+) 1 ang net satisfaction ng Marcos administration, na itinuturing na “neutral” ng SWS.
 
Sinabi ng survey firm na nakabawi ang administrasyon mula sa poor negative (-) 13 noong March 2026 na record-low para sa Marcos administration at pinakamababa sa nakalipas na labing-anim na taon mula sa “bad” -45 noong March 2010 sa ilalim ng Arroyo administration.
 
Gayunman, sa kabila nito ay nananatiling mas mababa sa “moderate” ang satisfaction rating ng Marcos administration.

About The Author