![]()
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing bukas ang sea lanes upang matiyak ang tuloy-tuloy na global energy supplies.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa 4th Asia Zero-Emission Community (AZEC) Summit ngayong Martes.
Binigyang-diin din ni Marcos na kailangang pagbutihin ang information-sharing sa mga oil-producing at oil-consuming countries.
Sinabi ng Pangulo na hindi sapat ang stockpiling para magarantiya ang energy security.
Kasama ni Pangulong Marcos bilang co-chair sa AZEC Summit si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.
Sa kanyang opening remarks, sinabi ni Takaichi na may ipapanukalang mga hakbang ang Japan upang mapagtibay ang kooperasyon sa oil stockpiling at power grids.
Inanunsyo rin ni Takaichi na bubuo ang Japan ng Asia Oil Security Task Force para sa oil procurement tuwing emergencies.
