dzme1530.ph

CLARK AIRPORT STATION NG NORTH-SOUTH RAILWAY, TARGET MAKUMPLETO SA KATAPUSAN NG 2027

Loading

Inaasahang matatapos ng Department of Transportation (DOTr) ang Clark Airport Station o ang final station ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa katapusan ng 2027.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, itatampok sa Clark Airport Station ang world-class facilities, kabilang ang air-conditioning at walkators.

Ininspeksyon ni Dizon ang istasyon na magbibigay ng direktang koneksyon sa pagitan ng Metro Manila at Clark International Airport sa Pampanga.

Idinagdag ng kalihim na target namang makumpleto ang railway line na magdurugtong sa Makati hanggang Clark pagsapit ng 2029.

About The Author