![]()
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pangangailangan para sa ASEAN member-states, gayundin ang China, Japan, at Republic of Korea na magsanib-puwersa upang matugunan ang kasalukuyang global economic challenges.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang panawagan sa 29th ASEAN Plus Three (APT) Summit, na dinaluhan din nina Japanese Prime Minister Takaichi Sanae, South Korean President Lee Jae Myung, at Chinese Agriculture Minister Zhang Zhu.
Sinabi ni Marcos na ang isang kaguluhan na libu-libong milya ang layo ay maaaring makarating sa East at Southeast Asia sa pamamagitan ng presyo ng bigas, singil sa kuryente, at kawalan ng kita.
Ang APT, aniya, ay nagsisilbing isa sa pinakamahalagang platforms sa East Asia para sa stability, resilience, at shared prosperity sa loob ng halos tatlong dekada.
Iginiit ng Pangulo na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maibibigay, aniya, sa mga mamamayan ang mataas na seguridad sa kasalukuyan at mas malakas na kumpiyansa para sa kinabukasan.
