![]()
Hihilingin ng pamahalaan na bawasan ang 12.5% tariff na ipinataw sa mga produkto ng Pilipinas na papasok sa Estados Unidos sa pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa.
Pahayag ito ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque sa sidelines ng press conference, kasunod ng pagtatapos ng 28th ASEAN Economic Community Council sa Pasay City.
Noong Hulyo ay inanunsyo ng US ang bagong tariff rate na 12.5% para sa Philippine goods bunsod ng umano’y kabiguan ng bansa na masugpo ang importasyon ng mga produktong na-produce sa pamamagitan ng forced labor.
Tumanggi naman muna si Roque na isiwalat kung magkano ang ihihirit na tapyas ng Pilipinas sa tariff rate, kasabay ng pagsasabing ihahayag nila ito bukas.
