dzme1530.ph

LABOR GROUPS, NAGPASAKLOLO SA KORTE SUPREMA LABAN SA TRO NG PASIG AT NAVOTAS COURTS SA 85-PESO WAGE HIKE

Loading

SUMUGOD sa Korte Suprema ang Kamanggagawa Party-list at ang NAGKAISA Labor Coalition para mag-file ng petisyon upang ipawalang-saysay ang injunctions na inisyu ng RTC Pasig at Navotas laban sa P85 wage hike sa NCR.
 
Ang Petition for Certiorari and Prohibition na suportado ng iba’t ibang labor groups ay para sawatain ang ginagawang pakikialam ng lower courts sa wage order.
 
Ayon sa grupo, masamang ehemplo ang ginagawa ng ilang kumpanya na ginagamit ang lower courts para sa corporate legal maneuver, matakasan lang ang iniuutos na umento sa sahod.
 
Saad ng grupo, kung hahayaan ang mga ganitong gawain, asahan na sa mga susunod na dagdag-sahod sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay ipapa-freeze lang ito ng malalaking negosyante.
 
Nais ng mga petitioners na mag-intervene ang Korte Suprema at katigan ang interes ng publiko o labor force.
 
Co-petitioners ang Workers and Peasant Party of the Phils., UNI Global Union-Phil Liaison Council, Nat’l Federation of Labor, Unified Filipino Service Workers, Federation of Free Farmers, Partido Manggagawa, SENTRO, at Council of Teachers and Employees in Schools, Colleges and Universities in the Phils.

About The Author