dzme1530.ph

LIMANG BANSA SA EUROPEAN UNION, MAGBUBUKAS NG MIGRANT DEPORTATION CENTER SA RWANDA

Loading

Inanunsyo ng limang European Union (EU) countries ang pagbubukas ng migrant deportation center sa Rwanda sa susunod na taon.
 
Bahagi ito ng mas malawak na hakbang para paigtingin ang pagpapauwi sa mga migrante.
 
Sa statement ng Dutch at Danish governments, inaasahang handa na ang bubuksang “return hub” ng Germany, Denmark, Austria, Greece at The Netherlands para tumanggap ng transfers sa 2027.
 
Sinabi ng mga nabanggit na bansa na applicable ang scheme sa mga migrante na nananatili nang ilegal at subject sa deportation.
 
Idinagdag ng Dutch government na magbibigay sila ng alternatibong paraan sakaling hindi makabalik sa kanilang pinanggalingang bansa ang deportees.

About The Author