dzme1530.ph

PAX SILICA INITIATIVE, HINDI TATALAKAYIN SA PAGBISITA NI US PRESIDENT DONALD TRUMP, AYON SA PHILIPPINE AMBASSADOR

Loading

Hindi tatalakayin ni US President Donald Trump ang US-led Pax Silica Initiative sa kanilang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba pang meetings.

Ito, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, sa gitna ng ginaganap na 49th ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.

Sinabi ni Romualdez na binigyan ng Estados Unidos ang Pilipinas ng panahon para matukoy ang “fine print and coverage” ng Pax Silica.

Aniya, ang US ang nagsabi na hindi muna pag-uusapan ang proyekto dahil dapat maayos muna ang mga papasuking kasunduan, kung ano ang hinihingi nila at kung ano ang puwede sa Pilipinas.

Inihayag ng ambassador na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging transparent ang proseso.

Idinagdag ni Romualdez na ang mga kilos-protesta at mga katanungan tungkol sa proyekto ay pruweba na hindi dapat minamadali ang paglagda sa Pax Silica deal.

About The Author