dzme1530.ph

DAIRY PRODUCTION, LUMOBO NG HALOS 30% SA UNANG SIYAM NA BUWAN NG 2026

Loading

Nakapagtala ang National Dairy Authority (NDA) ng dairy production na 41.46 million liters sa unang siyam na buwan ng 2026, na mas mataas ng 29.69% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Simula Enero hanggang Setyembre, umabot ang nakuhang gatas mula sa mga baka sa 21.86 million liters o 52.72% ng overall dairy production.
 
Naitala naman sa 15.64 million liters o 37.74% ng overall production ang dairy output ng mga kalabaw, habang ang mga kambing ay nakapag-produce ng 3.96 million liters ng gatas o 9.54% ng production.
 
Ayon sa NDA, tumaas ang produksyon ng gatas upang matugunan ang milk feeding program ng Department of Education (DepEd).

About The Author