dzme1530.ph

PBBM, HINIMOK NG ISA PANG SENADOR NA PAUWIIN NA SI CHINESE AMBASSADOR JING QUAN

Loading

Hinimok na rin ni Senador Francis Kiko Pangilinan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pauwiin na sa China si Chinese Ambassador Jing Quan.
 
Inilarawan ni Pangilinan ang ambassador bilang arogante, mapang-insulto at bastos.
 
Sinabi ni Pangilinan sa kanyang social media post na kinaya ng Pangulo na ipakulong sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Pastor Apollo Quiboloy at dating House Speaker Martin Romualdez.
 
Bukod dito, naideklara rin ng punong ehekutibo bilang ilegal ang POGO at naipasara ito kaya’t dapat lamang ipaglaban ang soberanya ng bansa.
 
Tiwala ang senador sa kapangyarihan ng Pangulo na kaya nitong gawin ang lahat para mapauwi na ang ambassador.

About The Author