![]()
Mahigit 20,000 tickets ang naibenta para sa “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate,” isang major milestone para sa homecoming ng Filipina tennis sensation at sa largest one-day tennis event sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang naturang ticket sales ay patunay ng lumalawak na excitement sa pag-uwi ni Eala sa bansa, kung saan magtitipon-tipon ang fans sa Philippine Arena sa Dec. 8 para salubungin ang isa sa leading young sporting talents ng Pilipinas.
Makakaharap ng 21-year-old Pinay si Janice Tjen ng Indonesia sa headline match, para sa pukpukan ng dalawa sa most exciting tennis players sa Asya, sa isang landmark occasion.
Sinabi ni Eala na nakakabighani na maraming fans ang bumili ng tickets para mapanood sila ni Tjen sa Dec. 8, kasabay ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng fans.
Nalampasan na ng demand para sa event ang kapasidad ng alinmang traditional tennis arena sa Pilipinas, na nagbigay ng pagkakataon para sa libo-libong Pinoy na mapanood ang isa sa most exciting sports occasions sa bansa.
