dzme1530.ph

Red Teams idedeploy para masiguro ang seguridad ngayon Semana Santa

Magpapalabas ng tinaguriang “Red Teams” ang Philippine National Police (PNP) para masiguro na maayos ang latag ng seguridad ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP officer in charge, deputy chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang mga red teams na mag-iinspeksyon sa deployment ng mga pulis, ay nasa superbisyon ng Deputy Director for Operations (DDOs) at Deputy Regional Director for Operations (DRDOs).

Kasabay nito, inatasan ni Lt. Gen. Sermonia ang lahat ng unit ng PNP na pairalin ang heightened alert status ngayong Semana Santa.

Ang heightened alert status ay naging epektibo ng alas-8:00 ng umaga kahapon at tatagal hanggang alas-8:00 ng umaga sa Abril 11.

Ipinaubaya naman ni Lt. Gen. Sermonia sa mga Police Regional offices ang pagtakda ng mas mataas na alert level depende sa sitwasyon sa kanilang Area of Responsibility. –sa panulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author