dzme1530.ph

Electrical short circuit, tinitignang sanhi sa Basilan ferry fire

Posibleng electrical short circuit ang sanhi ng sunog na tumupok sa MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan noong March 29.

Ito ang sinabi ni Bureau of Fire Protection – Basilan chief Sr. Superintendent Kadil Acalul base sa kanilang initial findings.

Pero, nilinaw niya na makukumpirma lamang ito kapag natapos na ang pagsusuri sa mga ebidensyang nakuha sa nasunog na ferry.

Batay sa pinal na bilang ng Basilan Provincial Government, nasa 28 katao ang kabuuang nasawi sa insidente na maaaring nalunod matapos tumalon o nasunog sa MV Lady Mary Joy 3.

Samantala, tinatayang aabot sa P100 million ang pinsala ng naturang barko.

About The Author