![]()
SINIBAK sa posisyon at isinailalim sa preventive suspension ang isang opisyal ng Port Police sa Zamboanga City na ama ng estudyanteng sangkot sa pamamaril sa isang pribadong paaralan.
Kinumpirma ni Bureau of Customs (BOC) Deputy Chief of Staff Atty. Chris Bendijo na sasailalim ang kanilang empleyado sa imbestigasyon upang matukoy ang posibleng pananagutan nito sa insidente.
Iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung baril ng Port Police ang ginamit ng anak nito sa krimen.
Tumanggi naman ang BOC na magbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa insidente na ikinasawi ng dalawang estudyante ng Ateneo de Zamboanga University.
