dzme1530.ph

DEPED, MAGBIBIGAY NG PSYCHOLOGICAL ASSISTANCE KASUNOD NG PAMAMARIL SA ISANG PAARALAN SA ZAMBOANGA CITY

Loading

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa kanilang mental health partners para magbigay ng psychological first aid at psychological support sa mga indibidwal na naapektuhan ng shooting incident sa Zamboanga City.
 
Sa statement, hinimok ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng unverified information at pag-share ng sensitibong mga larawan, videos o detalye tungkol sa insidente, lalo’t mga menor de edad ang sangkot.
 
Una nang iniulat ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso na dalawang estudyante ang nasawi, kabilang ang umano’y shooter, kasunod ng insidente sa Ateneo de Zamboanga University.
 
Ikinalungkot naman ng unibersidad ang pangyayari at idineklara ang araw ng Miyerkules bilang Day of Mourning and Prayer.

About The Author