![]()
Nasungkit ng Filipino Olympian na si EJ Obiena ang kanyang unang gold medal sa 2026 outdoor season matapos mamayagpag sa Czesław Cybulski Memorial sa Poznań, Poland.
Matagumpay na tinawid ng Filipino pole vaulter ang 5.72 meters para madaig ang sampung iba pang manlalaro, kabilang ang apat na Polish bets sa pangunguna ni World No. 21 Piotr Lisek.
Tatlong heights lamang ang sinubukan ni Obiena, kabilang ang 5.40 meters na nakuha agad nito sa unang attempt.
Sumunod niyang na-clear ang 5.60 meters na natawid niya sa pangalawang attempt, saka dumiretso sa 5.72 meters na kinailangan din niyang tawirin ng dalawang beses.
Naiuwi naman ni Owen Heard ng Great Britain ang silver medal habang napunta kay Matteo Oliveri ng Italy ang bronze medal.
